Sa ganitong mga sitwasyon at pagbabago, ano na nga ba ang ating haharapin sa taong dalawanglibo't talumpo?

Mga katanungang ang sagot ay mamanahin ng susunod na henerasyon. Ano't-ano man ang mangyari ay masasabi natin na ito ay responsibilidad nating mga nasa hinaharap at nasa kamay ng bawat indibidwal at mga namumuno. Sa taong 2016, muling gaganapin ang pambansang halalan daan upang ating iluklok ang mga opisyal ng bansa na syang mamumuno at mangunguna sa pag-ahon ng mga Pilpino mula sa kahirapan. Nasa kamay ng bawat botante ang pagpili ng nararapat na magtataguyod sa karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino.
Ang kahirapan daw ay sakit ng pamayanan na ang gamot ay uportunidad at sipag samahan na rin ng wastong kaalaman. Ano nga bang mabisang lunas sa karamdamang ito na kayang gamitin ng ating mga nagsisilbing mangagamot nating mga opisyal ng bayan? Marahil ay kung mapapansin ng bawat isa sa atin ay dahil ito sa kakulangan ng uportunidad ng bawat pinoy na dahilan na rin sa kakulangan ng kaalaman. Upang magkaroon ng uportunidad ang bawat pinoy na umaasa lamang sa mga mas may kaalaman at maykaya napakagandang imungkahi na pagtuunan ng pansin ang edukasyon hindi lamang sa mga lungsod kundi pati narin sa mga tagong nayon. Edukasyong hindi masasayang at naayon sa kanilang linya ng interes at kakayanan. Edukasyong magbibigay suhestyon sa tao kung bakit hindi nya kailangang maging mahirap at ng kanyang pamilya. Ang pagsang-ayon sa inisyatibo ni P-Noy na linisin ang liderato ng ating bayan ay mainam na desisyon upang hindi matapon o masayang ang bawat magandang hakbangin na sumasang-ayon sa mga nangangailangan. Kung mayroong edukasyon, hindi malayong masunggaban ang ibat-ibang uportunidad na iminumungkahi ng ating pamahalaan at kapaligiran.
.jpg)
Nakaaalarma na ang mga epekto na dinaranas ngayon dahil sa "global warming" at "climate change." Ang pinaka manipestasyon nito ang dalas at tindi ng mga kalamidad gaya ng bagyo, matindi at malawakang pagbaha, "tsunam"i, malalakas na lindol, "heatwave"s, matinding tagtuyot at iba pa. Habang nagpapatuloy at bumibilis ang "climate change", patuloy din ang pagtaas ng pagkasira di lang ng kapaligiran sa mga partikular na lugar kundi ng buong mundo. Bagaman, hindi tayong mga pinoy ang may pinakamalaking responsable sa problemang ito kundi ang malalaking kumpanya meron pa rin tayong magagawa upang kahit paano ay hindi makadagdag. Katulad na lamang ng imbes na pagsunog ng basura ay maari nalang natin itong ibaon.
Ang pagiging responsable daw ng bawat indibidwal ay laging nag-uumpisa sa sarili - ang pagiging disiplinado. Hindi lang dapat natin i-asa sa pamahalaan ang pangangailangan ng ating mga pamilya kundi dapat din tayong kumilos. Umpisahan natin sa ating mga sarili kung paano natin ito matutulungan at ang ating bayan. Disiplinado tayong matatawag kung tayo ay marunong ng salitang "kalinisan". Disiplinado tayong matatawag kung tayo ay marunong ng salitang "may pakialam". Disiplinado tayong matatawag kung tayo ay sumusunod sa mga alituntunin. Disiplinado tayong matatawag kung tayo ay umiiwas sa gulo at namumuno sa kapayapaan. At disiplinado tayong matatawag kung tayo ay marunong gumalang sa awtoridad na pinanghahawakan ng ating kapwa - umpisa sa pamilya hanggang sa gobyerno.
Kung ang lahat ng mga positibong nasambit ay mapagtutuunan ng pansin ng maging posible ay hindi malayong makakamit natin ang tunay na kaunlaran.
Kaunlaran na kung saan maliit na lamang ang agwat ng mahihirap at mayayaman dahil sa pagkakaroon ng uportunidad.Kaunlaran na maging bukas ang pag-iisip na bawat Pilipino at makapag-isip ng paraan upang masolusyunan ang mga problema sa kapaligiran at ng ating bayan dahil sa edukasyon. Kaunlaran na mapanatili ang likas na yaman at mabantayan at mabigyan ng sariling buhay sa malinis na kapaligiran.
Ang lahat ng ito ay ating maiaalay sa susunod na henerasyon na mag-aahon naman at magbibigay ng magandang buhay sa susunod pang mga henerasyon. At naniniwala ako na ang epektibong pagbabago ay abot kamay ng Pilipinas sa 2030 sa pagtutulungan ng sangkatauhang Pilipino!

No comments:
Post a Comment