Friday, March 16, 2018

Tambay

Kadalasan ikinakabit sa mga taong ito ang hindi magandang pananaw sa buhay. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng isang tambay sa taong may pinagkakaabalahan o pinagkakakitaan? 

Tulad ng pinagkaiba ng mayaman at mahirap, may iisang bagay na hindi kapanipaniwala ngunit katotohanan ang namamagitan sa kanila at yun ay ang tinatawag na "satisfaction". Wala kang pera pero masaya ka, may pera ka ngunit malungkot ka. Wala kang pera ngunit nagagawa mo ang mga bagay na hindi nagagawa ng may pera. May pera ka at nabibibili mo ang gusto mo at mga pangangailangan mo ngunit limitado na lang ang mga hinihiling mo sa buhay pagkat halos nasayo na ang lahat. Wala kang pera at napakarami mong kagustuhan sa buhay na nagbibigay hamon sa iyo para mabuhay.

May mga taliwas ngunit makatotohanang makabagong kasabihan sa ngayon tulad ng mga sumusunod:
  • Di bale nang tamad, di naman pagod
  • Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila
  • Ang batang masipag, pag laki katulong
  • etc...
Sa mga tinatawag na tambay o mga taong walang ginagawa sa araw-araw kung hindi maghintay sa pagsikat at paglubog ng araw, nagbibilang ng mga dumadaang sasakyan habang nakaupo, nakatayo, naglalaro sugal man o laro, nanood ng TV, nakaharap sa inuman at kung ano-anu pa ay may isang kasiyahan ang  nabubuo sa paglipas ng mga araw - ang pagkakaroon ng magandang samahan. 

Sa kabilang banda, sila lang naman ang kadalasang nakakatulong sa oras ng matinding pangangailangan tulad ng sunog, nakawan, gumagalang aso na may rabbies at kung ano-anu pa. Sila ay kumbaga'y parang tanod sa gabi...

Bakit nga ba may tambay?

Psychologically, ibat-ibang emosyon ang nararamdaman ng mga tambay na naguumpisa sa tinatawag na pansamantalang pamamahinga na hindi kalaunan nagiging parang permanente. Kawalan ng pagasa-nagiging balakid ang pagkawala ng isang bagay, uportunidad at taong malapit sa buhay sa pagkakaroon ng trabaho. Kadalasan ay naghihintay sila sa wala at naghihintay ng grasya sa kawalan. Dito rin nabubuo ang kaisipang magbisyo at magnakaw nang dahil sa pangangailangan. Natural ang tinatawag na "kupit" sa mga kalapit na pamilya at para sa kanila ito ay kaunting bagay lamang ngunit di nila namamalayan na sila ang nagiging dahilan ng mas malaking problema sa lood ng pamilya at komunidad. Ang pagiging mainitin ng ulo ay nagiging ordinaryo lang din sa kanila lalo na kung may mga bagay silang itinatago sa likod ng mga pangyayari sa araw-araw. Kawalan ng silbi, hindi ito kailangan ipamukha s kanila dahil sila mismo nakakaramdam nito hanggang sa ito na lagi ang nagiging isyu kung bakit sila may dindamdam. Ang kawalan ng produksyon sa araw-araw ay ang sanhi ng unti-unting paglubong ng isang indibwal o ng buong pamilya. Dito na nga nakakaawa ngunit nakakamangha ang taong kumikilos para sa kanila, kasi nga diba kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila?

I-ikaw, S-sila, T-tayo, A-ang, M-mga, B-batang, A-ayaw, Y-yumaman. Ito ay kadahilanan lamang na bunga ng kasiyahang nararamdaman kapag sila ay nagkaka-tagpo tagpo. Hindi naman talaga sila habambuhay na TAMBAY. Nang dahil sa ganitong mga samahan nagkakaroon ng positibong pananaw ang nabubuo na hanggang sa isang araw ay isa-isa silang nawawala at napapalitan ng dahil sa bunga ng positibong atraksyon.

1 comment: