Sasamantalahin ko lang po ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga taong tumulong at nagbigay ng suporta at concern sa akin sa mga panahong nasa bingit ako ng kapahamakan.
Unang-una po salahat nais ko pong magpasalamat dahil ang kailan lang na halos wala nang buhay na katawan ko ay ngayon ay kasalukuyan nang ganap na malakas at tuloy-tuloy na ang pag-galing, at ang lahat nang itoy utang ko sa mga taong tumulong sa akin. kung kaya't gumawa ako ng paraan upang kahit sa blogdrive ko man lang ay maipahayag ko ang aking taos pusong pasasalamat.
Isa sa pinakamahahalagang tao na pinasasalmatan ko unang-una ay ang aking pamilya na nagpakita at nagparamdam ng aking kahalagahan bilang kasapi.
Sa mga taong nagbigay tulong pangpinansyal specially kina Auntie Salie and family, Auntie Minnie And Family, Auntie Marlyn And Family,Ate Jing and Family, Pati na rin sa mga taong tumulong na di nabanggit. Maraming-maraming Salamat!
Sa mga taong nagdasal para sa kaligtasan ko, Sa mga Taga-Bicol na nag-asikaso sakin noong hindi pa ako nadadala sa hospital, sa mga Taga-Baguio City, Sa mga Doctors at Nurses na nag-asikaso sa akin, sa COP-Baguio family at syempre sa mga taong nagpuyat upang alagaan ako sa ospital, Kina tita Saling At Boryo. Maraming Salamat sa inyo!
Sa lahat po na naging bahagi ng aking paggaling na tumulong, nakiramdam, nakiramay at nakidasal, Maraming-maraming Salamat!
Sa pagkakataong ito ramdam ko talaga ang pasasalamat lalo't higit sa ating Poong Maykapal sa pagbigay niya sa akin ng bagong buhay at bagong pag-asa upang malasap na muli ang ganda ng buhay.
salamat!
salamat!salamat!
0 comments:
Post a Comment