Ayon sa aking mga karanasan, pag-aaral at pakikialam ukol sa mga bagay-bagay na dapat malaman ng bawat indibidwal isa sa aking mga nakalap ay kung ano ang responsibilidad ng bawat namumuno sa isang Baranggay. Isa ito sa dapat malaman ng bawat namamaranggay upang malaman ng bawat isa kung ano ang kanilang tungulin para sa anilang kinabibilangang kumunidad. Ayon nga kasabihan, " Huwag kang magtanong kung ano ang maibibigay ng gobyerno para sayo bagkos magtanong ka sa sarili mo kung ano ang maibibigay mo para sa gobyerno."
Ang Barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng ating Lokal na pamahalaan. Hinahawakan nito ang isang maliit na kumunidad tulad ng mga Purok o mga Sito. Lahat ng lugar sa Pilipinas ay binubuo ng maliit na lokal na pamahalaan at Opisyalis ng Baranggay.
Ang Punong Baranggay o Kapitan ng Baranggay ay ang pinakamataas na posisyon sa isang maliit na yunit ng Gobyerno. Sya ang nakatalaga sa pamamahala, pagpaplano sa ikauunlad, karaniwang serbisyo at pasilidad, sumusunod ayon sa nakakataas, batas pangbaranggay, at pamumuno. Ang mga tao ay obligadong sumunod at magbigay respeto sa desisyon at batas na naimplementa. Sa kabilang dako, ang Kapitan ng Baranggay ay may kapangyarihan na pamunuan ang isang Baranggay ng naayon sa batas. Kung ang isang Kapitan ng Baranggay ay abusado sa kanyang kapangyarihan ang mga tao ay may karapatan at tungkulin na ipagbigay alam ito sa COMELEC upang sya ay mapaalis sa kanyang tungkulin sa pamamagitan ng prosesong pangbatas.
Ang kalihim ng baranggay ay may kinalaman naman sa mga trabahong pampapeles. inakailangan nyang maitala lahat ng diskusyon at plano na naisagawa sa kanilang pagpupulong. Sya ay nakatalagang basahin ang kanyang ulat sa susunod na pagpupulong ng Baranggay.
Ang Ingat yaman o tresorero ay responsable naman sa paghawa ng pondo ng Baranggay. Mula sa budget ng mga pag-aari, proyekto, at sa honorarium ng mga opisyal. Kailangan nya itong pangalagaan.
Para naman sa pitong konsehales, sila ay mayroong kanya-kanyang tungkulin na maitatalaga sa kanila ng kapitan ng Baranggay. Sila ay kinakailangang nasa opisina ng Baranggay isa sa isang linggo upang mapaglingkuran ang mga taong pumupunta na nangangailangan ng tulong.
Sa kabuuan, ang mga opisyales ng Baranggay ay kinakailangan gawin ang mga sumusunod na tungkulin:
- Gumawa ng paraan upang maalis ang pagkalulong sa Bawal na gamot.
- Mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Baranggay.
- Maipakalap ang kapayapaan at pagkakaisa.
- Maipakalap ang kahalagahan at karapatan ng kababaihan, kabataan at mga matatanda.
- Mapanatili ang pag-aari ng Baranggay at imprastraktura.
Ganunpaman, hindi kailangang iasa ng mga namamaranggay ang lahat-lahat sa mga nakaupong opisyal. Meron din tayong responsibilidad at obligasyon na dapat nating gampanan bilang namamaranggay. Hindi makakalinis ang walis na may iilang tingting lamang, kinakailangan nito ang karamihan o kung maari ay ang kabuuan upang maisagawa ang bagay na dapat magampanan bilang iisa.
Isa sa mga obligasyon at karapatan natin na dapat nating magampanan ay ang PAGBOTO....
0 comments:
Post a Comment