Kayo ba ay nag-aamok kapag nalalasing? Maraming nararamdamang paghihiganti, problema o kaya naman ay gustong ipaalam sa lahat na kayo ay matapang o di kaya’y “siga”. Pwes ikaw nga ang tinutukoy ko na may “galas”- isang salita na nag-uugnay sa mga taong aking tinukoy.
Maging sa pag-iinom ng alak ay kailangan ding maging responsible ang bawat isa. Habang nasa tamang katinuan pa ang inyong pag-iisip ay kailangang ihanda nyo na ang inyong mga sarili sa maaring pagkawala ng inyong tamang pagkilos, tamang pag-iisip at tamang pananalita. Bagaman ito ay normal sa pag-iinom ng alak ay kailangan din nating masubaybayan din natin ang ating mga sarili.
Kung inyong maalala sa mga balita sa radio, TV o di kaya’y sa mga pahayagan, ang karaniwang rason ng mga krimen o di kaya’y disgrasya na nagreresulta ng pagkawala ng buhay o kaya’y pagkasira ng sarili o sa iba ay ang pag-inom ng alak. Naalala ko ang mga katagang “Lasing ako ng mangyari ang krimen”. Ano man ang sabihin nyo sa mga ganitong klase ng mga bagay ay hindi pa rin tinatanggap ng lipunan ang ganitong klase ng kasagutan. Maging sa batas o sa hukuman ay hindi pinapayagan ang ganyang klaseng rason maging sibil man yan o krimen. Isang napakalaking pagkakamali ang minsan aking naulinigan na pagkawala ng kanilang mga ari-arian dahil sa isang kasulatan na kanyang pinirmahan ng sya ay lasing. Tsk…tsk…tsk
Masakit man tanggapin ang katotohanan na may ganito kalaking epekto ang pag-inom ay kailangan nating tanggapin. Subalit, hindi naman lahat pangit ang resulta ng pag-inom ng alak. Meron din namang: Nagpapaganda ng samahan ng pagkakaibigan at pag-iibigan, ito rin ay ginagamit upang maging uportinidad sa trabaho, relasyon at sa pamilya. Dito rin kadalasan ang pagbibigay at pagpapalitan ng mga payo. Yan ay kung RESPONSIBLE KANG MANGINGINOM.
Sa kabuuan, may maganda at may di-magandang epekto ang alak sa ating katauhan. Isang uri ng pakikipag-kapwa upang magkakilanlan o magpalipas ng oras o di kaya nama’y upang mapag-usapan ang mga bagay-bagay. Umu-ugnay din ito sa isang selebrasyon o di kaya’y pagbubunyi ng isang matagumpay na bagay o pangyayari.
Para sa aking rekomendasyon. Maging responsible tayong manginginom, Kalimutan ang mga masasalimoot na pangyayari, paghihigante at ang pag-iisip na manakit. Alalahanin natin ang ating mga mahal sa buhay sa mga pagkakataong may hindi tayo magandang mga desisyon laban sa ating sarili o sa kapwa. Huwag nating pilitin ang ating mga sarili kung talagang di natin kayang uminom at yan naman ang tinatawag na “May Ayawan” o di kaya naman matuto rin tayong magsalita ng “Pass” kung talagang ayaw natin o wala tayo sa kundisyong uminom. Matuto rin tayong rumespeto sa mga taong ayaw uminom o di umiinom.
Sa mga kapwa ko manginginom, hehehe… Tagay!
0 comments:
Post a Comment