Sa paraiso ng Baranggay Bagasbas isang tunay na pagkakaibigan ang nabuo buhat sa mga batang pinagtagpo ng tadhana upang magdamayan,magtulungan at magkaisa sa mga oras na kailangan nila ang isat-isa. Mga batang simple lang ang kaligayahan, ang makapaglaro sa piling na kanilang mga kaibigan. Karaniwan sa mga laro na talgang nagbigkis sa kanila ay ang larong basketball, laro na nagpakita ng pagkakaisa sa hangaring maipnalo nila ang team. Katulad ng tunay na buhay iisa ang hangarin ng bawat isa at yun ay ang magtagumpay, at syempre manalo man o matalo patuloy pa rin ang kasiyahan at pipiliting hindi makapaapekto sa kabiguan.
Ang pagtungo sa tabing dagat ay madalas ding pagpalipasan ng oras ng mga BIBO kung kayat hindi maikakaila na lahat sila ay may talento sa paglangoy. Madalas silang namimingwit ng isda at sumasakay sa bangka,ito ay karaniwang pinaglilibangan nila kapag sila ay nagkakayayaan.
Isa rin sa pinagtutuunan nila ng pansin ay ang pagalaga nila ng hayop lalong lalo na ang manok. Bawat isa sa kanila ay may sariling kulungan ng manok at manok na panlaban.
Sa pagdaan ng panahon kasabay ng pagpaalam nila sa kamusmusan at pagharap sa pagiging binata ay hindi pa rin nawawala ang pagsasaalang-alang nila sa kanilang pagkakaibigan, at syempre kahit sa paniningalang pugad ay magkakasama pa rin sila.
Sa isang relasyon lalo pat marami ang sangkot tulad ng Barkadahan ay hindi nawawala ang tampo, selos, at hinanakit. May hindi nagpapansinan at minsan may nagkakasakitan pero sa huli ay sila pa rin ang
nagdadamayan.
Sa ganda ng kanilang samahan marami ang nagtangkang makigrupo sa kanila, ang iba hindi naabot ang ugaling nais ng BIBO at ang iba naman ay nagtagumpay sa inaasahan ng BIBO.
Ang mga batang ito na bumubuo ng BLUE BOYS JARM BIBO ay sina:
JAYSON- Ang pinakamaliit pero matinik na kasapi sa grupo.Sensitibo sa mga bagay na dapat isa alang-alang ng bawat isa higit sa lahat ay kung makaksakit ng damdamin omagpapasaya. Kung kayat kilala siya bilang "matampuhin"
JONATHAN- tahimik ngunit magaling makisama, Mababaw ang pangarap ngunit batid nya na ito ay ikaliligaya nya.Athan sya kung tawagin
ARJAY- Lalaking simple na nangangarap na maging pulis.Walang kapatid at wala ring ama ngunit sa piling ng mga kaibigan at ina ay parang kumpleto na rin.
MARK- star palyer ng grupo, habulin ng chicks dahilan sa maayos ang personalidad.Pangarap nyang makapagabroad upang kumita at magkaroon ng magandang buhay pagdating ng panahon.
SAMUEL- Papasam kung tawagin sya ng nakararami.chickboy!pangarap din nyang maging isang pulis at sa ngayon ay halos abot kamay nya na ito.
ANTHONY,MARLO AT JERSON
Sila ang mga bagong kasali sa grupo na magagaling makisama at may magagandang mga ugali at higit sa lahat marunong dumamay sa mga problema na kinahaharap ng BIBO. tulad nina jayson,athan,mark,arjay,at papasam sila ay may mga ugaling BIBO din naman kung kayat hindi sila mahirap maging kaibigan.
Sa kaslukuyan, ang pagkakaibigan ng BIBO ay unti-unti nang nagkakawatak-watak dahilan sa dumating na ang araw na kailangan na nilang harapin ang buhay bilang isang responsableng indibidwal.
Nagkawatak-watak man ang BIBO ay hidi pa rin mawawala ang alala ng pagkakaibigan at syempre mananatili pa rin itong buhay sa pusot isipan ng bawat isa. Kasabay ng pagharap sa mga pangarap ay ang paggunita sa samahan. Pasasaan bat sila-sila rin ang magkikita sa final.
BIBO!

0 comments:
Post a Comment