Mr. Emerson de Lemon
"Kuya"
May mataas na pangarap, may ipagmamalaki, at may talino kakayahan at abilidad sa buhay.Graduate ng economics, nakapasa sa ibat-ibang pagsusulit pangpropesyonal.nagtrabaho at maagannatutong sumuporta sa sarili at tumulong sa pamilya.
Yan ang kuya ko!
Noong mga bata pa kami madalas hindi kami magkasundo dahilan sa syempre bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang ugali na kontra bawat isa. Syempre sabi nga nila pare-parehong matatalino, pare-parehong magagaling, pare-parehong ayaw magpatalo kay pare-parehong napapalo! Sya ang pangana samin at ako naman ang pangalawa na pilit na naghahangad na mapantayan at malampasan sya ngunit batid kong hindi ko kaya dahilan sa di ko kayang magakto bilang pangalawang ama sa pamilya na tulad ng gingawa nya.
Lam nyo ba na nagpapasalamat ako sa kuya kong ito dahil isa sya sa nagsakripisyo sa akin noong ako ay nakaratay sa sakit?Alam ko na mahirap para sa kanya na itaya ang sahob niya mula sa kanyang pinagtratrabahuhan para lamang maipangsuporta sa gamot ko at iba pang pangangailangan.
Sayo Kuya, Maraming salamat!
Thanks God for my Kuya!
0 comments:
Post a Comment