Kailangan ba talaga laging pavictim? Hindi ba ikaw ang nagdesisyon na umalis para kumita? Bakit ka nagrereklamo?
Kung kaya ng iba?
.
.
.
Ipagawa mo sa kanila.
.
.
E nagkataon na ikaw yung may kakayanan at ikaw ang meron, natural ikaw ang gagawa. You can always say no pero kaya mo bang labanan ang sarili mo?
Sa totoo lang hindi naman talaga ikaw ang kawawa, swerte ka nga e kasi nasayo ang oportunidad na kumita at tumulong depende sa desisyon mo. Hindi ka naman talaga bayani, magaling ka lang coz you have the guts at handa ka mahirapan at makipagsapalaran. At alam mo ba kung sino talaga yung mga taong yumayaman? Sila lang naman yung mga taong tinatawag na risk taker. Nakakatulong ka sa bansa nang hindi mo namamalayan, meaning to say hindi mo ito dapat ipagmukha sa kanila dahil parte yun ng pagiging kung ano ka ngayon. Parang paglabas mo lang yan ng carbon dioxide sa pamamagitan ng paghinga na nakakatulong sa mga halaman o puno na hindi mo alam na nakakatulong ka pala. Ibig sabihin NATURAL! Dahil sila rin ang buhay mo na nagbibigay oxygen sayo...
Swerte ka nga e nakapunta ka sa ibang lugar, napuntahan mo ang ibang lugar na hindi kayang puntahan ng mas nakararami. Kung ayaw mo magbigay e di wag.... halos pareho lang naman ng pagkawala mo ang pagpanaw mo, ang kaibahan nga lang e nagpaparamdam ka ng tulong.
Nakakaasiwa kapag nakakabasa ako ng "hindi ako bangko" sa wall sa facebook. E bakit nagdedespense ka ng pera? In other words wag kang magreklamo kung ikaw naman ang nagdedesisyon na gawin ang bagay na ayaw mo at nakakapagpahirap sayo. Dyan nasasayang ang pagiging bida mo kapag may lumabas sa bibig mo na ang sagot ng taong involved ay "nakakahiya naman pala sayo sa lahat ng ibinibigay mo. Yaan mo...." at yun ang masakit na marinig yung kasunod... after all...
Kung nagsasawa ka na magbigay, subukan mo mag wish na sana ikaw nalang ang nandun at sila ang nandito.
Hehehe... parang hiniling mo na rin na sana nasa kanila ang uportunidad. So para sakin lang no? Ibahin po natin ang pagtingin natin sating mga sarili bilang OFW. Hindi tayo kawawa, bangko, bayani, nagtitiis, etc..etc..
Tayo ay swerte, magaling at nasa atin ang uportunidad para umasenso at makatulong ng di labag sa ating mga puso!

0 comments:
Post a Comment