Inilunsad ang aktibidad noong araw ng Sabado, Mayo 27, 2023 sa Sitio Mandulungan Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte sa pangunguna ni Provincial Information Officer Dr.Sarah Marie Aviado at ng Station
Manager ng Radyo Pilipinas na si SM Jorge Dayaon. Nagsilbing mga panauhin din sila Board Member Lukad Villafuerte De Lima at ang anak ni
Governor Ricarte Dong Padilla sa si Ms. Anica Padilla kasama rin ang dating Vice Mayor ng Jose Panganiban
na si Diday Romualdo Abaño.
Pinasimulan sa maikling programa ang nasabing gawain na sinundan ng mga palaro,kainan,kantahan at sayawan at labis ang tuwa
ng mga empleyado ng PIO-Radyo Pilipinas.
Nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ng suporta at pagpupugay sina BM Lukad De Lima, Mam Anica Padilla at ang pinakatumatak sa karamihan ay ang ibinahagi ni Former Vice Mayor Diday Abaño na ang PIO ang unang sundalong sumasalag sa mga ibinabato sa administrasyon, at siya ring pambala sa labanan kung kaya’t saludo siya sa PIO, kasama ang Radyo Pilipinas
Ayon naman kay Dr. Aviado , kailangan umanong magkasamasama sa ganitong aktibidad upang mapalakas ang relasyon ng bawat isaat resulbahin din umano ang mga tampuhan o hindi pagkakaintindihan. Dagdag pa niya, sa ganitong pagkakataon ay mas lalong lalakas ang pwersa at pagtutulungan pag dating sa trabaho./
#AlaysaDiyosAlaysaBayan
#bukasnaangpagasa
#Fortheloveofourcountry
0 comments:
Post a Comment