Siguro para sa akin ako na yata ang pinakamaswerteng pinagpala pag dating sa kaibigan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit saan ako magpunta ay may mga tropa akong nakakasalamuha and eventually nagiging parte ako nito. Siguro dahil friendly ako o kaya'y talagang nakalaan na sila para sakin upang maging bahagi ng buhay ko, na amy makasama at maging masaya ang pakikitungo ko sa iba at syempre upang maramdaman ko rin ang ibat-ibang emosyon ng isang indibidwal sa paraan ng pakikisalamuha.
Bata palang ako ng makilala ko ang " BLUE BOYS JAMS BIBO ". Marami kaming mga pinagdaanan na talagang hindi namin makakalimutan na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso ng bawat isa sa amin ang aming samahan.
Sa pagtungtong ko ng elementarya nagkaroon ako ng tropa na binubuo ng mga kapwa ko mag-aaral. May mga tripings kami na talaga namang kasiya-siya. Paglipas ng apat na taon lumipat ako ng paaralang pinapasukan kasabay rin ng pagkahiwa-hiwalay ng tropa at tanging batian na lang ang nagaganap kapag nagkikita.
Sa paglipat ko ng paaralan noong ako ay nasa ika-limang baitang sa elementarya taong 1995-1996 sa Daet Elementary School ay panibagong tropa nanaman ang aking nakasalumuha at sa panahong din yun ay dun ko nakilala ang first love ko na talaga namang nagpasiya at nagpahirap sakin. Nagpasaya, dahil sa mura kong edad na sampu naramdaman ko ang salitang pag-ibig. Nagpahirap dahil hindi ko ito nasabi sa kanya na umabot na tatlong taon hanngang sa tuluyan na syang nawala sa puso ko.
Sa pagtungtong ko naman sa sekondarya sa unang taon taong 1997-1998 sa Moreno Integrated School ay nakilala ko naman ang tropang " JARMIC BENARD " na binubuo din ng mga kapwa ko mag-aaral na babae at lalaki.
Sa ikalawang taon ko naman sa sekondarya ay lumipat ako uli ng paaralan taong 1998-1999 sa " LADY OF PENAFRANCIA COLLEGE OF DAET ". Nakilala ko naman dito ang mga katropa ko na kapwa ko rin schoolmate. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nanligaw ako at first time ko ring mabasted!
Sa ikatlong taon ko naman sa sekondarya sa bagong paaralan ko taong 1999-2000 sa " CAMARINES NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL " ay nakilala ko naman ang tropang " AYOS ". naranasan ko naman ang popularidad dahil daw sa pagiging _____ ko daw. Ako ay seksyon 3 noon. Sa taong din yun naranasan ko na ligawan ako ng babae, iniiyakan, pinagsasabihan ng problema at kung ano-ano pa upang ipakita ang pagiging close nila sakin.
Sa ika-apat na taon, taong 2000-2001 ay nalipat ako sa seksyon 2 sa nabanggit na paaralan din. Sa taong ito nakilala ko naman ang tropang " SIGNIFICANT OTHERS " na binubuo naman ng mga popular na studyante, mga dancers, beauty queen at mga panlaban ng paaralan. Dito ko natutunan ang ibat-ibang bisyo at sa kasmaang palad medyo naligaw ng landas ngunit hindi halata kasi maayos pa rin ang naging rekord ko sa paaralan at para sa akin isa ito sa naging pinakamakwentang pinagdaanan ko dahil mas naging mature ang pag-iisip ko at marami pang ibang nangyari sa buhay ko sa taong ito na talaga namang nagdevelop sa buo kong pagkatao.
Sa pag-apak ko naman sa kolehiyo buwan ng June -October 2001 unang semestre ay nakilala ko naman ang tropa ko na tinawag na LATAK, ito ay sa kadahilanang kami ay napabilang sa seksyon na sobra ng ibat-ibang kurso. Dito naman sa taong ito ay hiking ang trip namin.
Matapos ko ang unang semestre sa kolehiyo ay ipinasya ko munang huminto upang magtrabaho sa Jollibee dahilan na rin sa kakulangan ng mga magulang ko ng pera pantustos sa aking pag-aaral.
Buwan ng November 2001 - August 2002 ay nagtrabaho ako bilang service crew ( pantry station ) sa Jollibee. Doon ko naman natagpuan ang mga katropa ko na ang trip naman namin ay night-swimming.
Matapos ko sa Jollibee - Daet ay tumungo naman ako sa Baguio City kasama ang aking ina upang maghanap ng magandang buhay.
Taong 2003 - 2004 sa ikalawang semestre ko sa University of Baguio sa kursong Com - Scie ay nakilala ko naman ang mga tropa ko na panandalian lang dahilan sa pagka mis ko sa mga Bibo sa Daet.
October, 2004 nang kunin ako ni mama sa Bicol dahilan sa kritikal kong kundisyon. Umakyat sa utak ko ang impeksyon na syang naging dahilan ng pansamantala kong pagkabaliw.
November, 2004 - February, 2005 nang ako ay dalawang sunod na maconfine sa Baguio General Hospital.
Habang nagpapagaling at nagrerecover ako sa mga pangyayari, July 2005 hanggang sa taong 2009 ay nakilala ko ang tropang TOLITS na talaga namang labis akong pinahanga sa kanilang samahan. May mabababaw na kasiyahan ngunit may mga malalalim na pinagdadaanan na ang tanging nagiging pansagip ay ang simpleng pagtitipon-tipon at simpleng halakhakan.
Hanggang sa ngayon ay marami pa rin akong nakikilalang ibat-ibang kaibigan na talaga siguro nakatalaga sa bawat mapatunguhan ko ngayon at sa mga susunod pang mga panahon.
Sa kabuuan, nagpapasalamat ako sa lahat ng naging kaibigan ko. Naipakita rito ang paghahambing ko sa bagay sa mundo na kailangan ng tao na kapag may lumipas, may darating at ang lumipas ay mananatili at ang darating ay lilipas at mananatili. GET'S NYO MGA KATROPA?!

0 comments:
Post a Comment