KuboTel (Kubo na Hotel)
Isang dampa sa sa amin ay nagawa
kasiyahang dulot sa samin ay nakita
Pagkakaibigan na tunay ay nagsimula
Dahil sa KuboTel dito ay nagkita-kita
Pagdadamayan ng lahat at pagbibigayan
Pagtutul'ngan, pagkakaisa at unawaan
Pagbibiruan at walang humpay na tawanan
Karanasang tunay ng aming pinagsamahan.
Pagmamahalan naming mga magkakaibigan
Ay hinding- hindi mawawasak kailan pa man
Kahit daanan ng unos at mga kabiguan
Ng Dahil sa KuboTel kami ay nabuhayan.
Sa aming pagtulog sa KuboTel na ginawa
Kapayapaang dulot sa amin ay napuna
Pagdampi ng mga hangin ay aming nang nadama
Tunay nga tal'gang dalisay at kaayaaya
Sa likod ng KuboTel sang dagat na payapa
Sa paligid nito'y kasiya siyang mga bata
Mga naglalaro na talaga ngang mapupuna
Ang ganda ng buhay na tunay ngang maligaya .
Sa pagsapit ng dilim ay kay lamig ng hangin
Lagaslas ng mga puno't mumunting himig namin
Na sumasabay sa musika naming awitin
Sa saliw ng gitara't linamnam ng inumin
Naaalala ko pa nung KuboTel ay gin'wa
Bayanihan, tulong-tulong, kami'y sama-sama,
Ideya ng lahat hangang matapos ang dampa
Nang mabuo na, selebrasyong kahanga-hanga.
O Mahal nga naming KuboTel, Kubo na Hotel.
Ikaw ay isang tahanang hindi masusupil
Ikaw na sa saami'y naging isang anghel,
Pagbubuklod sa amin ay iyong naging papel.
O poong mapagpala ika'y napakabuti
Iyong binigay KuboTel na katangi-tangi
Kubo na Hotel na aming ngang binabahagi
Sayo o aming Diyos Tunay kang pinupuri.
(de Lemon Residence's Backyard P-5 Brgy. Bagasbas,
Daet, Camarines Norte)
0 comments:
Post a Comment