Wag malungkot! Hindi ito permanente mga pare koy, kung baga ito ay "overexageration lang". Ang nais ko naman talagang ipahiwatig sa inyo ay ang ipakita at ipabatid sa inyo ang tunay na kalagayan ng ating bansa. Kailangan ng bawat isa ang sariling pagsisikap upang pasimulan ang tunay na pag-unlad. Mula sa sarili "Ako ang simula" kung baga. Mangarap tayo at matutong paunlarin ang sarili. Kung iisipin kung lahat ay mag-iisip ng ganito ay hidi lang tayo ang makikinabang kundi pati na rin ang ating bayan.
Si kuya, isang OFW sa bansang Qatar. Nag-umpisa sya bilang isang simpleng mamayan na hindi huminto sa pag-babanat ng buto. Mula pag-kabata ay inihanda ang sarili sa kanyang kinabukasan kung paano makakatulong sa pamilya at sa bayan. Mula sa pagtitinda ng kung anu-ano, sa pag-pasok sa kung anu-anong malilinis na raket at sa pag-susumikap na makapagtapos ng pag-aaral hindi sya huminto na mangarap. Sinikap nyang maabot ang kanyang mga ninanais. Ganunpaman, hindi naging ganap ang kanyang pag-pupunyagi dahil nga sa kakulangan na kinikita sa bawat araw. Hindi lubos maisip ng kuya ko na halos lahat ng pagod at pag-gamit ng utak ang kanyang pinipuhunan makuha lamang ang kanyang inaasam ngunit ito'y kulang. Hindi maling talikuran ang sariling bayan kung ang ninanais mo ay para sa kabutihan ng pamilya at nang ating bayan. Agad kong ipinayo sa aking kapatid ang makipag-sapalaran sa ibang bayan. Hindi naglaon, siya ay lumipad at hinanap ang sariling swerte sa ibang bansa.
Nakonsensya ako sa aking mga naririnig tungkol sa mga katagang "Balang-araw mauubos ang ating mga mahuhusay upang manilbihan sa mga banyaga." ngunit nang marinig ko isang araw ang hatid na balita ng pamahalaan na tumataas ang kita ng ating bansa dahil sa mga OFW's ay agad akong naliwanagan. Kung iisipin, hindi madaling mangibambayan lalot na't kapalit nito ay ang mawalay sa pamilya at minamahal. Sa rason na maiahon ang pamilya mula sa kahirapan ay ipag-papalit ang ilang taong kalungkutan at pagpupunyagi. Hayyy.... Bida ka Pinoy Abraoad....
Si kuya ay isang representate lamang ng lahat ng mga pinoy na naninilbihan at nagpupunyagi para sa mga minamahal. Bagong bayani ika nga, totoo sa aking palagay pagkat sila ang parang mahigpit na kinakapitan ng ating bansa upang umunlad. Pasasaan bat magsisisbalikan din ang mga yan upang tayo nanaman ang pagsilbihan ng mga banyaga. Mga Filipinong OFW's at mga Matatapang na manlalaro sa ibang bansa na humahakot ng salapi at "awards" bilang gantimpla. Tunay nga kayong bayani.
Darating ang panahon, sa pamamagitan ng konting tiis at maraming pagsisikat aangat tayong mga Filipino sa pamamagitan ng mga OFW's. Ang talamak na kahirapan, kalunos-lunos ng pag-hihikahos, ang kahindik-hindik na krimen, at ang kawalang edukasyon ay unti-unting mapapawi sa pamamagitan ng ating pag-pupunyagi na mai-ahon ang sarili at pag-kakaroon ng pangarap para sa sarili, pamilya at sa bayan....
Mabuhay ka Pinoy-Abroad!
0 comments:
Post a Comment