Malugod ko pong binabati ang mga lider na nahalal at pinili ng taong bayan dito sa ating bansa - Pilipinas.
“Great power comes great responsibilities”. Yan po ang mga linyag madalas nating marinig at hindi natin ma-ikakailang may katotohonan. Para sa akin hindi lang power at responsibilities ang great di kundi maging ang taong may hawak nito. Masasabi ko rin na hindi lang lider ang may great power at may great responsibilities kundi pati na rin ang taong bayan na kailangan ng mga lider na pamunuan ditto sa ating bansa.
Lahat po tayo ay responsable sa ika-uunlad at ika-babagsak ng ating bansa. Umpisahan po natin yan sa ating mga sarili. Igalang po natin at ibigay ang nararapat para sa mga nakaupong lider bilang kapalit ng kanilang serbisyo alang-alang sa ating bayan. Bawasan po natin ang mga kwestyong walang kabuluhan kundi pambabatikos na syang nagpapahina ng katatagan n gating bayan. Sa mga lider naman po, kailangan pong intindihin natin ang ating posisyong manungkulan at hindi mangurakot. Masakit man po sa pandinig ngunit ito ang salitang praktikal. Ang pansariling interest ay hindi po “advisable” sa paggawa ng mga desisyon lalo na kung ito ay para sa bayan. Huwag po natin masyadong bilangin ang mga hindi magagandang pangyayari dahil sigurado ako na mas marami ang magaganda.
Anyway, Congratulations po sa lahat! Tayong lahat po ang panalo na syang benefeciary sa naganap na halalan. Masaya po ako na hindi naganap ang malawakang failure of election. Magtulungan po tayo at suportahan ang mga magagandang proyekto. Asahan nyo po ang aking kooperasyon!
0 comments:
Post a Comment