(Published on Feb.,2005)
Ang Aking 5 minutong pagkamatay...
Isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ang ang mabuhay sa piling ng Dyos. Nagpapasalamat ako sa kanya sa pagbigay nya sa akin ng kumpletong buhay kapiling ang aking mga magulang, kapatid at kaibigan. Sa aking paglaki at pagharap sa buhay na inaakala ko nung una ay simple lang,maraming mga bagay ang aking naunawaan at naramdaman sa kabila ng mga pagsubok at problemang dumating. Humahanga ako sa mga magulang ko dahil sa bagaman sila ay nasa gitna ng hirap at pagdurusa na humaharap sa hirap ng mundo ay hindi nila nakakalimutan ang Dyos kung kayat nalalampasan nila ito. Tama blessing nga ito sa kanila!pinanganak kaming magkakapatid na kilala ang Dyos ngunit dahilan sa tukso ng kadiliman at kapaligiran hindi naiwasan ng bawat isa sa amin ang magkasala.
Sa aking pagharap sa buhay, dumaan ako sa maraming lugar ng buhay na kung saan nalaman ko kung ano ang mabuti at masama.naging marupok ako at nagpaanod sa agos ng kasalanan, kung kaya't dinanas ko ang matinding hirap na sa palagay ko ay nararapat lang sa akin. Natuto ako!
Andami kong pinagdaanan na aking sinunggab kahit alam kong itoy mali basta malaman ko lang at maranasan kung paano ito nangyayari. Di ba sabi nila bago mo malaman ang isang bagay at maunawan ay kailangan mo itong maranasan. Pero mali pala ako roon!kailangan pala pag alam mo nang mali wag mo nang gawin,pero sabi ko mathrill e! Pero ano nga ba ang kinahinatnan ko?masasabi ko bang matril ang ganitong bagay?
Highschool ako noon nang maranasan ko ang pagiging rebelde sa buhay. Dahilan sa kakulangan ko sa pangunawa tungkol sa kinakaharap kong buhay noon sinubukan ko lahat ng di nararapat para sa isang kabataang tulad ko. Natutunan kong magbisyo,magsugal at marami pang iba masasamang gawain. Gayunpaman hindi naman ako naging ganun kasama. Matagal ko ginawang hobby ang mga ganung bagay hanggang sa dumating ang pagkakataong hindi na ko sumusunod sa sinasabi ng magulang ko at nakatatanda sakin. Hindi ako nawalan ng magandang asal at naroon pa rin naman ang paggalang ko ngunit mapapatunayan ko pa ba naman yun gayong pasama na ang landas na tinatahak ko? Pero kahit na natutunan ko ang mga bagay na di maganda pinilit ko pa ring maging responsable. Natapos ko pagaaral ko sa highschool, nagtrabaho ako bilang service crew sa jollibee at nagaral ako sa AMA college at UB college d2 sa baguio. Bagaman naging responsable ako sa gayong paraan nakalimutan ko na naging iresponsable ako sa pagsunod sa utos ng Dyos. Inisip ko na walang mali sa ginagawa ko hanggang sa dumating ang araw na tinalaban ako ng sakit na sa buong buhay ko di ko malilimutan, ang pagkapilay ng aking kanang paa.
Sa una ininda ko ito dahilan sa wala na akong kinatatakutan, pinagpatuloy ko pa rin ang mga hindi magagandang bagay. Hanggang sa dumating ang araw na umakyat ang impeksyon sa aking ulo at nawala ako sa aking sarili. Tinakasan ko pa nun ang mama ko na mula Baguio ay umuwi ako sa bicol upang magawa ang gusto ko, at hindi ko na alam na wala na ako sa sarili kong katinuan. Ang pinagtataka ko batay sa mga kaibigan ko matino naman daw ako ng mga panahong yun. Marami silang patunay na ginawa ko raw."alam kong hindi ako yun!" sabi ko sa sarili ko. Natulog ako ng mahabang panahon na parang pinaalam sakin ang napakarami kong pagkakamali at may pumalit na kung sino sa aking katawan.dumating araw na ilang oras na lang ang binibilang ng aking buhay. Thanks God dahil pinaalala ng Dyos sa mama ko ang aking kalagayan. Dumating ang mama ko sa bicol dala ang pagasang masasagip nya ako mula sa bingit ng kamatayan. Nadatnan nya ako na halos wala ng buhay, agad nya akong ibyenahe mula sa bicol patungong Baguio. Halos labingwalong oras ang byahe. Dumating sila sa Baguio General Hospital na talagang halos patay na ako at sabi nila ay commatos daw. Hindi raw agad ako inasikaso ng mga doctor dahil sa kasalukuyan daw na busy daw sila sa operasyon ng ibang pasyente. Inabot ng humigit kumulang anim na oras ay inasikaso din ako kaagad at dinala sa operating room. Iyak ng Iyak ang mama ko lalo na ng malaman na patay na ako. Anlaking problema ng kinaharap ng mama ko ng mga oras na yun lalo na sa pang-pinansyal na problema. Iniisip nya kung paano maiuuwi ang bangkay ko sa bicol. Dumating ang mga alagad ng Dyos na sina Pastora fennie, ipinagdasal nila ako at isang himala na alam kong ibinigay sakin ng Dyos ang naganap, nabuhay ako at isinailalim sa operasyon. Pinutol ang buto na infected sa paa ko at pinalitan ng buto na nanggaling sa tagiliran ko. Kinabukasan naging maganda ang daloy ng buhay ko bagaman naharap si mama sa matinding hirap sa pagbayad ng mga kailangan ko sa ospital. Sabi ng mama ko ilang araw na 3000 pesos a day daw ang hinahanap nya para lang masuportahan nya ang gamot ko. Ilang araw matapos ang operasyon ko ay halos nagkaroon ako ng amnesia dahilan sa wala akong maalala ng mga oras na yun. Maraming nagpatotoo sakin na ang nangyari sa aking yun ay isang himala at ito raw ay ibinigay ng Dyos sa akin bilang pangalawang buhay para magbago. Lumipas ang mga araw inilabas ako sa ospital, isang batang walang muang ang lumarawan sa akin. Dinadalaw ako ng madalas nina Kuya James at kanyang mga kapatiran. Nagpapasalamat ako sa Dyos na bagaman dinanas ko ang ganung experiensya ay hindi nya ito pinadama sakin. Napakabait ng Dyos sa akin! Maraming salamat o Panginoon!
Sa ngayon narito ako at pinagpapatuloy ang buhay,muling itinutuwid ang mga pagkakamali na aking nagawa kapiling ang aking pamilya at mga kaibigan. Aaminin ko na minsan marupok ako sa mga pagsubok ngunit sa ngalan ng Dyos patuloy akong lumalaban at tumatanggap ng gantimpala sa pamamagitan ng pagmamahal ng aking kapwa at pagbigay ng pangangailangan namin sa aming buhay. THANKS GOD!

0 comments:
Post a Comment