Ang araw at pagkakataong hinihintay ko na maganap sa buhay ko matapos ng mga nangyari sa akin. " Ang Bakasyon!"
Katapusan ng April ng gabi nang ipinasya ko na byumahe patungong Bicol dala ang kakaibang damdamin at exitement na magbakasyon at bumalik sa aking sariling lugar na kung saan doon ako lumaki at nagkaisip.
Habang sakay ako ng bus hindi maiwasang isipin at itanong sa aking sarili kung ano nga bang magiging reaksyon ng mga taga samin lalong-lalo na ng mga kaibigan ko lalona't noong umalis ako run one and a half year ago ay wala na akong pag-asang mabuhay dahil nga sa kalagayan ko noon na karamihan sa kanila ay inaakalang patay na ako.
1 o'clock in the afternoon ay sa wakas nakarating na rin ako sa Daet, Camarines Norte. Sinundo ako ng pinsan ko na si marvin gamit ang kanyang bagong motor. Pagdating na pagdating namin sa bahay, tulad ng inaaasahan ko ay maraming namangha, nangumusta at nagalak sa aking pagdating. Halos panay ang pasasalamat nila sa Diyos dahil nga nakaligtas ako.
Yan ang umpisa ng aking " BAKASYON ".......
April 01 - 07 :
Unang Linggo palang ng aking bakasyon marami na kaagad ang naganap . Ipinamalas at ipinaramdam sa akin ng mga tagaroon ang napakaayos at napakabuting pagtanggap. Halos wala na nga akong mapaglagyan ng pagkain sa tiyan dahil bawat bahay na mapasukan ko ay puro pagkain ang inaalok at isa ito sa napakahirap tanggihan. Masaya sa amin sa Bicol, kung kayat isa ito sa hinahanaphanap ko.
Gamit ang mga motorbikes ng mga kaibigan ko, ipinasyal nila ako sa ibat-ibang magagandang lugar sa amin Sa Daet, Camarines Norte specially sa BAGASBAS BEACH RESORT. Ikwenekwento nila sakin ang ibat-ibang mga magagandang pangyayari habang wala ako. Ipinaramdam nila halos ang kanilang pagkamis sakin na talaga namang naramdaman ko.
Sa Ikatlong araw ng aking bakasyon ay biglang bumuo ang mga kaibigan ko ng plano ng magkaroon kami ng picnic na naganap sa mismong araw ding yun. Nagluto sila ng Laing na paboritong lutuin sa Bicol dahil sa sarap nito na niluto sa gata na medyo may kaanghangan, Nag-ihaw ng malakingb isda na hinuli sa dagat ng tatay ng isa sa mga kaibigan ko at bumili ng konting alak . Ang Picnic na iyon ay naganap sa isa sa pinagmamalaking resort sa camarines norte dahil sa pagkanatural nito at sa sarap ng tubig sa paliligo. Ito ay ang MAMPUROG RESORT. Ang lahat ay nagenjoy ng araw na iyon, kaya isa ito sa di ko malilimutang pangyayari.
Dahilan sa nalalapit na FIESTA sa aming Barangay ay nagkaroon ng ibat-ibang aktibidades na taunang nagaganap bilang parte ng kafiestahan. Isa na rito ay ang paliga ng Basketball, Beauty Pageant, Atbp. Sa Larong basketball, ay nakilahok ang aming barkadahan at bumuo ng team. Gabi-gabi ay pumupunta kami sa sentro ng aming barangay, malapit sa Beach, perya at basketball court.
Sa Loob ng unang linggong lumipas sa aking bakasyon ay masasabi kong nagenjoy akong masyado.
April 08 - 15 :
Sa aking ikalawang Linggo - Ang linggo ng MAHAL NA ARAW. Bagaman ito ay araw ng Sakripisyo ni JESUS, Hindi makikita ang lungkot sa mukha ng mga taong tagarito bagkus mukha ng pasasalamat ang nakalarawan sa klanila. nanood kami ng mg pinitensya at prosesyon, nakidalamhati at nakidasal.
Alam nyo ba na nung Mahal na Araw ay nagsipagdagsaan ang mga turista sa Beach? Oo! Parang Boracay ang Bagasbas Beach Hindi lang sa ganda at lawak nito , sa taas ng alon, Kundi pati na rin sa dami ng mga taong dumadagsa rito mula umaga hanggang gabi. Taas noo kong ipinagmamalaki ang aming lugar! ang BAGASBAS!
April 16 - 22 :
EASTHER SUNDAY ! Ang sumalubong sa akin sa aking ikatlong Linggo ng Bakasyon. madaling araw habang natutulog ako ay parang nasa palengke sa ingay ng mga tao na nasa labas, Hindi ko alam kung sa anong kadahilanan, lumabas ako saglit upang makita kung anong nangyayari at natuklasan ko na sabik na sabik ang mga pamilyang patungo sa simbahan upang magsimba at panoorin ang pagbaba ng anghel mula sa langit na taunang isinasadula kada Linggo ng Pagkabuhay bilang paggunita sa muling pagkabuhay Ni JESUS.
Sa araw ding yun ika-anim ng umaga ay niyaya ako ng mga kaibigan ko na maligo at mamasyal sa beach. Napakaraming tao roon, marming palaro tulad ng Easther egg hunting, palarong bayan atbp. Ang Linngo ng Pagkabuhay ay naging napakakulay at punong-puno ng kasiyahan.
Ika-syam ng umaga sa arw ding iyon ay sumama ako sa papa ko para naman dumalo sa aming FAMILY REUNION sa LOPEZ - SALVATION FAMILY. Doon ay nagtipon-tipon ang malalayo naming pamilya na halos di namin kilala at sa pamamagitan ng reunion ay nagkakilanlan kami at doon natuklasan ko na sa edad ko ng 21 ay lolo na pala ako sa pinsan.Anyway narito po ang mga lolo at lola na pinagmulan ng aming pamilya mula sa angkan ng LOPEZ. Mula sa walong magkakapatid na Lopez: 1.) Maximo Lopez 2.) Pablo Lopez 3.) Feliciana Lopez - Salvation ( ang aming pinagmulang Lolo at Lola ) 4.) Arsenio Lopez 5.) Rosalio Lopez 6.) Ramon Lopez 7.) Clemente Lopez 8.) Thomas Lopez.
Ang araw ng pagkabuhay ay isa sa mga araw na pumuno ng schedule ko sa araw-araw at hindi pa run natapos ang araw na pinagenjoyan ko, nung araw na iyo ay nag ipon-ipon pa kami ng iba kung pinsan From Hawaii, namasyal sa beach, pumasok sa beerhauz at nag videoke.
Ang ibang araw sa loob ng April 17 - 26 ay naging karaniwan nalang ang pamamasyal, panonood ng basketball, perya atbp. Umattend di ako sa kasalan ng pinsan ko noong April 19, 2006 Na isa rin sa hinahanap-hanap ko sa Bicol lalo na kapag sumasayaw ng PANTOMINA ang bagong kasal bilang simbolo ng pagtulong nila sa isat-isa upang mabuhay ang kanilang pamilya. Normally, this is danced during village fiestas and other social occasions, such as weddings, baptisms, birthdays, betrothals, etc., in barangay halls, the hosts sala, or more often than not, in the open air, either in fenced-off open spaces in the barangay, basketball courts, or a portion of the yard of the host. Masaya at ramdam mo ang pagiging bicolano kapag narinig mo ang kantang sinasayaw para sa pantomina.
April 23 - 30 :
Ika - apat na Liggo!
Puyat ako ng 23 ng umaga dahil nagvideoke ako ng 8 PM - 12 AM sa Beach at 1 AM - 3 PM ay nagdisco naman ako sa naganap na presentation ng mga official candidate for MR and MS BAGASBAS. Dahilan nga sa nagkaroon akong bady clock na gumising ako ng 6 ng umaga ay inorpresa naman ako ng ilang sunod-sunod na pagbati sa love radio fm sa radio mula sa mga kaibigan ko at nung araw ding yun ay naalala ko na ang araw palang iyon APRIL 24, ay ang ika-9 na Taong anniversaryo ng aming barkadahan ang BLUE BOYS JAMS " BIBO ".
April 24, 2006 - 9th Year Anniversary of Blue Boys Jams! Isang ordinaryong araw ngunit special at makahulugan para sa amin at mga kaibigan ko. Ang araw na iyon ay kasabay ng talent night ng Mr. And Ms. Bagasbas na kung saan ay may inaassist kaming m,ga kalahokkung kaya't ang aming celebration ay nag-umpisa ng halos 12 midnight na. Konting Salo-salo, inuman, kantahan at kung ano-ano pang kasiyahan.Natapos ang celebration ng bandang 4:30 ng umaga. Syanga pala nais ko lang ibilang ang pagbati sa mga binubuo ng BLUE BOYS JAMS BIBO namely Jayson de Lemon, ( ako yun) Jonathan " Athan " Tapel, Jerson Phillip " Ton-Ton " Gutierrez, Arjay Gutierrez, Anthony " Kaliber " Leano, Mark Jaypee Almendras, Marlo " Kalo " Solana and Samuel " papasam " Francisco. At syempre meron pa tayong mga extended Friends tulad nina Pareng Marvin Asis, Pareng Boboy Tapel, Pareng Joy Angeles, Pareng Joel Bolandos at marami pang iba.
Fiesta! Fiesta! Fiesta!
Ang pinakahihintay ng lahat! Last Saturday of April - Fiesta ng Bagasbas Sa ngalan ng patron ng SAGRADA FAMILIA . Naging Napakagandang celebration ang naganap nang kafiestahang iyon. Lahat ng bahay ay may kanya-kanyang inihandang pagkain. Ibat-ibang putahe na talaga namang katakamtakam. May mg nagpabinyag ng kanilang mga anak upang maging kristiyano at would u believe na apat ang naging inaanak ko? Anak ni Kumareng Arlene Sta.Rosa, Anak ni Pareng Ton Gutierrez, Anak ni mareng Lorena De Vesa, Anak ni Pareng Mafe.
Ang araw ng fiestang iyon ang isa sa pinakamagandang araw ng pag-stay ko sa Bagasbas, at sa dami ng kaibigan ko halos malito ako kung saan pupunta, lalo pat special na panauhin ako para sa kanila. Kinagabihan As usual sayawan grande! Halos di ko na alam ang ginagawa ko sa sobra kong kalasingan dahilan nga sa di ako makatanggi ganunpaman sumayaw pa rin ako hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na tulog sa aking higaan na talagang di ko malaman kung paano akong nakauwi.
May 1-15 :
Ang huling Dalawang Linngo ng Aking Bakasyon.......
Tulad ng nakasanayan ng mga taga samin, ang kinabukasan matapos ang Fiesta ay Picnic ang nagaganap. Iabat-ibang grupo ang nagtitipon-tipon, may barkadahan, pamilyahan o di kaya'y reunion ng mga batch ng elementary samin. Ibat-ibang lugar na pagpipicnican din pinupuntahan ng ibat-ibang grupo, Sa dami ba naman ng paliguan samin na talaga namang napakasarap paliguan. May chicken island ( white sand Beach ), Sinag - Tala Resort, Bagasbas Beach resort, Mampurog Resort, Mananap Resort, Pineapple Island Resort, Little Tagaytay, at marami pang iba. Sumama ako sa grupo ng aming barkadahan at syempre sa mampurog kami pumunta kasi halos karamihan ng tagarun sa may parte samin ay doon pumunta. Masaya kami kasi kahit iba-iba ang cottage namin ay nagshare share kami ng pagkain. Sa Mampurog Resort ay marami din namang videokehan kaya naman di ko napigilan ang bumirit hilig ko kasi ang kumanta. Kinabukasan siula May 2 ay Back to normal sa aming Barangay, wala nang fiestahan, palaro, at uwian na rin ng mga bakasyunista. Medyo lumungkot, pero alam nyo bang hindi ito hinayaang mangyari ng mga kaibigan ko na maging malungkot.Lagi pa rin kaming may mga gimmiks at trippings at ang pinakapahinga namin ay ang maglaro ng tong-its at magluto ng kung ano-ano para pang snacks namin.Saka kahit wala nang fiesta ay halos gabi-gabi pa rin ang sayawan dahilan sa marami pa ring okasyon tulad ng birthday at kasalan.
Araw- araw ng huling Lingo ng aking bakasyon ay talagang masaya parinhanggan sa dumating ang araw ng kaarawan ng kaibigan ko na si Arjay nung May 14. Tulad ng nakasanayan idiniwang namin ito, nagluto, nagkainan, naginuman, nagkantahan at kung ano-ano pa. Talaga namang napakasaya ng okasyong iyon tulad ng okasyong dinatnan ko nung april 2 na graduation ni samuel.
After 3 days nagpasya na akong bumalik ng Baguio pati ang mga kaibigan ko ay bumalik na rin sa kanikanilang mga trabaho sa manila.Kasama ko si athan na byumahe sa bus patungong Cubao at si Samuel naman ay nasalubong namin sa parteng Lucena at sumama sa akin patungong Baguio para naman amkapagbakasyon.
Nakarating kaming tatlo sa Cubao April 17 at dumaan kami sa pinsan ko sa gawaan ng tsinelas ( Louies Footwear).Nagpalipas ng konting oras sa pamamagitan ng pamamasyal sa mga malls at pagkatapos noon ay dumiretso kami sa gawaan naman ng mg inexport na mga Boxes sa Binangonan rizal, Natulog lang kami ng isang gabi run at kinabukasan kasama ko ng byumahe papuntang baguio si Pareng Sam.
0 comments:
Post a Comment