Mrs. Erlinda de Lemon
"World's Greatest Mom"
"World's Greatest Mom"
Pinakamahalagang babae sa buhay ng apat na lalakeng de lemon.Di matatawaran ang pagiging isang responsableng ina "mother of all times" ika nga.Huwarang ina na handang itaya ang buhay alang alng sa pamilya.Babaeng matatag at hindi matitinag laban sa maga problema.Taong may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa.
Sa katotohanan isa sa pinakamahalagang tao sakin ay ang aking ina, ina na nagbigay ng buhay at bumuo ng aking pagkatao sa pamamagitan ng pagaruga sakin mula ng akoy ipinanganak nagkaisip at nagkaroon ng pakapak.Ina na nagpaunawa ng tunay na kahulugan ng buhay na ang buhay ay hindi puro pasarap kundi kailangan din ng sakripisyo upang matugunan ang panganga ilangan sa buhay man o sa kaligayahan.
Madalas niyang sabihin na hinding hindi ko makakalimutan ay ang mga katagang " Totoy, lahat ng hirap na dinadaanan ko ay para sa inyo, para makaahon, makapagaral, magkaroon ng magandang kinabukasan, at mabigyan kayo ng magandang buhay." Sa mga katagang yan labis nyang ipinaramdam sa amin ang kanyang pagmamahal bilang ina, ang pagiging responsable higit pa sa inaasahan naming mga anak.
Si mama ay masasabi ko ring larawan ng isang babaeng matapang na handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Noong bata pa ako ilan sa mga naalala ko ay ang pagtatanggol nya samin laban sa mga nangaapi sa amin, sa paaralan, kapitbahay at sa mga taong nasa paligid. Hindi niya hinahayaang masaktan ni isa man sa amin.
Si mama rin ang masasabi kong may mababaw ngunit may malalim na kaligayahan.Isa sa mga halimbawa nito ay ang kaligayahan nya sa mga oras na nakakatanggap kami na karangalan. Kung sabagay ito nga lang naman ang pinaka mahalagang maaari naming maipagkaloob sa kanyang " Karangalan".
Sa kabuuan, kung susumahin si Mrs. Erlinda de Lemon na aking ina para sa akin ay larawan ng isang perpektong ina na maari kong ipagmalaki bilang isang "Mother of all Season"
Sa kasalukuyan, upang patuloy pa ring matugunan ang pangangailangan ng pamilya, si Mama ay masipag na nagtitinda ng isda sa palengke dito sa Baguio. Nagtitindda rin sya ng kakanin bilang sideline upang upang may pangkunan ng iba pang gastusin.
Lahat ng itoy matatag nyang ginagawa para sa amin, Lalo na sa aking kalagayan na labis kong ipinasasalamat dahil isa siya sa nagbigay at nagdudugtong sa buhay ko at patuloy na inaalalayan upang makabangon ako at magpatuloy sa aking buhay.
Thanks God for my Mom!
0 comments:
Post a Comment