" Sa darating pong eleksyon huwag nyo pong kalilimutang iboto............!"
" Nangangako po akong...........!"
" Ang inyo pong lingkod ay.........!"
" Vote straight..........!
Yan po ang mga katagang malapit na nating marinig sa darating na kampanyahan para sa eleksyon. Marami po sa ating mga Filipino ang siguradong magpapalitan ng ating mga koro-koro hinggil dito, ang iba may negatibong reaksyon at ang iba naman ay positibo ngunit mas marami pa ring nag-hahangad ng salitang PAG-BABAGO. Sa mga taong nag-hahangad ng salitang pag-babago ay masasabi kong kulang ang kahit na milyong-milyong salita lamang kung wala ang salitang kooperasyon. Bilang mga Filipino kailangan ang bawat isa sa ating mga Botante ang patisipasyon sa pamamagitan ng PAG-BOTO. Dito ay maipapakita natin na tayo ay hindi manhid at lalong hindi inutil sapagkat naipapahayag natin ang tinatawag na Demokrasya sa pamamagitan ng malayang pag-boto.
Ngayon, ano nga ba ang nararapat na ikonekta natin sa salitang PAG-BOTO? Karapatan o Obligasyon? Karamihan sa ating mga Filipino ay puro sariling kapakanan lang ang iniisip, lagi nating ipinagsasandalang tayo ay kesyo mahirap lamang, hindi nakatapos, wala tayong pakialam dahil hindi naman tayo pulitiko, gusto natin walang gulo, etc.. na kung saan ay masasabi kong mali! Sapagkat bawat isa sa atin hanggat tayo at ang ating mga pamilya ay nakikinabang at nakaapak sa lupa ng ating bansa ay may kinalaman sa bawat pag-ikot at pag-babago nito. Kung kayat tayo ang responsable sa ano mang pag-babago nito sa pag-unlad man o sa pag-lubog. Hindi po reklamo ang kailangang maging kuntribusyon natin sa ating mga kina-uukulan bagkos kooperasyon. at isa po ang kooperasyon sa PAG-BOTO! Opo ang PAG-BOTO ay isang obligasyon ng bawat isa sa atin.
Naalala ko nung mga panahon na nag-aaral ako sa isang unibersidad, may isang guro na nagtanong sa akin hinggil sa sagot ko na may kinalaman sa pulitika. Tinanaong nya ako, "Ano bang mapapala namin kung boboto kami tulad ng sinasabi mo, basta ako neutral.?" Sa harap ng mga kaklase ko nasagot ko ang titser ko na " Sir, kung lahat ng tao ay mag-iisip katulad ng iniisip mo e talagang walang mangyayari sa hinahangad nating pagbabago."
Tandaan po natin na ang pagbabago ay laging nag-uumpisa sa sarili. Kung alang-alang sa kapakanan ng nakararami at ng kinabukasan ng buong bayan bakit pa kailangan mag-dalawang isip? Kung maari po iwasan po natin ang madalas na pag sabi na tayo ay 'neutral' sapagkat ito
po ay kasagutan ng mga taong umiiwas sa pagkakamali na kung saan nag-papakita ng kaduwagan "playing safe" po kumbaga. Ang pag-kakamali po ay normal sapagkat dito po tayo natututo upang maging tama ang ating susunod na desisyon. Ngunit masasabi ko rin na ang paulit-ulit na pagkakamali 'kuno' ay hindi normal bagkus ito ay kawalan ng concern sa kapwa o tamang pag-iisip. Isipin po natin na sa ating mga BOTO nakasalalay ang kapakanan natin, ng ating mga pamilya at ng mga susunod pang henerasyon. Huwag po nating sayangin at abusuhin ang karapatang ibinigay satin ng Diyos na magkaroon ng awtonomiya o pag-kakaroon ng sariling Gobyerno, matuto po tayong mamahala, makikoopera at simulan sa ating mga sarili ang tinatawag natin o ninanais na salitang "PAG-BABAGO"!
Ang eleksiyon sa ating bansa ay kadalasan nakasalalay sa lawak ng impluwensiya at yaman ng magkakatunggaling partido at pamilya. Ang pinakamayayaman at maimpluwensiyang angkan ay magkakalaban sa mas matatas na posisyon sa pamahalaang nasyonal at probinsya. Ang mga angkan o mas maliit na pamilya ay naglalaban laban sa posisyong lokal. Sa barangay level ay mas tinitingnan ng mga botante ang taginting ng pangalan ng kandidato at serbisyong nagawa niya para sa komunidad. Maliit o malaki man na angkan o pamilya...masalapi man o mayaman sa kaibigan , ang isang kandidato na nais maupo sa posisyon sa kahit na anumang dahilan, pansarili man o para sa bayan, sila ay nabigbigyan ng pagkakataon na magsilbi dahil sa boto na magsisimula sa iyo. Tumataas ang populasyon ng mga botante (umaabot sa 80-85% ang bilang sa kabuuan) kapag ginagawa ang national election kumpara kung ito ay eleksiyon na pang lokal lamang. Sa mga suliranin na kaakibat ng pagsasagawa ng eleksiyon kabilang ang pagsusulat ng napakahabang listahan ng mga pangalan mula sa Presidente hanggang sa pangalan ng pinakamababang posisyon sa lokal, transportasyon ng mga botante papunta sa voting precincts at takot sa kanilang seguridad ang mga ito ay natatakpan ng kasabikan ng mga botante na maisulat nila ang kanilang mga napupusuan sa parang peryang tanawin isang taon bago pa lamang magsimula ang kampanyahan. Batuhan at siraan ng mga kanya-kanyang pangalan. Uungkitin ang mga motibo at hahanapan ng butas ang isang kandidato at kung walang maibatong putik ay hahanapan ng kapintasan ultimo kamag-anak , kasambahay at pati na rin siguro ang malapit na alalay. Makulay ang eleksiyon...maraming palamuti at banderitas at kabi-kabila ang patugtog ng campaign jingle na kahit sa iyong pagtulog ay parang uyayi na manunoot sa iyong memorya. Hanggang sa pagsulat sa balota ay tila nahipnotismo ka na ng mga stratehiya ng mga umaasam na maupo sa pwesto ng kapangyarihan. Ang isyu ng dayaan ay hindi mawawala na para bang kultura na sa ating bansa. Hindi pa rin maaalis ang takot sa sistema ng dayaan. Kung tayo ay maniniwala sa ganitong kultura ay hindi na talaga uusad ang ating bansa sa pagkalugmok sa maling sistema. Ano po ba ang ating maiaambag at maaaring magawa? Ipakita po natin ang ating lakas. Naniniwala po ako na ang idelohiya ng mga kabataan ay hindi basta basta mababali at mabubulag sa maling sistema kung sila ay gagabayan ng maayos. Malaki ang ginagampanan papel ng makabagong teknolohiya sa pagpapakalat ng tamang impormasyon. Ang mga kabataan ngayon na mahilig sa internet ay maaaring maghikayat ng kanilang mga kaibigan at kapuwa kabataan na maging masipag sa pagpaparehistro upang makasama sila sa bilang ng mga botante na uugit ng bagong kasaysayan ng ating lahi. Maaari rin magsagawa ng isang web-site na kung saan nakasaad doon ang mga impormasyon, plataporma at kwalipikasyon ng bawat kandidato .Sa ganitong paraan ay malilimitahan na ang pagbabatuhan ng putik at mas lalong magkakaroon ng matalinong desisyon ang isang botante sa pagpili ng kanilang kandidato .Huwag na po natin hayaan na maulit pa ang mga nangyari noong mga nakaraang eleksyon na nabalewala ang mga nasayang na rehistro. Manalig po tayo sa bagong sistema. Makiisa po tayo sa panawagan ng ating barangay na makiisa tayo sa pagpaparehistro.
Hinihikayat po natin ang mga walang paki-alam at tamad bumoto na sa pagkakataong ito ay maging kaisa sila sa hangarin natin na maging maayos at malinis ang darating na halalan. Nang sa ganun ay may karapatan silang makiaalam sa patakbo ng gobyerno at may karapatan silang maging kritiko dahil sila ay lehitimong rehistradong botante ng kanya-kanyang bayan at barangay. Tandaan po ninyo na ang unang hakbang sa pagkakaroon ng maayos na pamamahala ay magssisimula sa inyong pagpaparehistro at paggamit ng inyong karapatan sa pagboto.
Sa kabuuan, ang PAG-BOTO ay Obligasyon at Karapatan na dapat nating isa-isip, isa-puso at isa-buhay bilang partisipasyon sa ating pamayanan. Ang pag-boto ay masasabi kong pag-sunod sa desisyon ng Diyos na tayo ay nararapat lamang na magkaroon ng tinatawag na GOBYERNO.
Mga kababayan, mga kapwa ko botante, lumabas po tayong lahat sa araw ng botohan at matalinong pumili ng kandidato na sa tingin natin ay karapat-dapat sa pwesto. Sa mga bumoboto, sa mga nakilahok sa eleksyon, at sa mga taong nakikisimpatsya sa halalan, Proud po ako sa inyo! Sa mga deserving at walang halong pandaraya na mahahalal Goodluck and God Bless! Asahan nyo po ang aking Kooperasyon!

0 comments:
Post a Comment