"The longest journey is the journey inwards. Of him who has chosen his destiny, Who has started upon his quest for the source of his being."
Madalas iniisip ko at sinasabi ko sa sarili ko, San ba talaga patungo ang buhay natin? Mula kasi pagkabata e dalawang uri lang ng klase ng buhay ang nararanasan natin, ang mamuhay sa ibabaw paminsan-minsan at mamuhay sa ilalim, gulong ng palad kumbaga. Isa rin sa mga pagkakataon na kapag nabigyan tayo ng oportunidad e parang di na natin napapansin ang mga paghihirap na napagdaanan natin malasap lang natin ang panandaliang kaligayahan. May swerte tayo na tinatawag at hindi natin maikakaila na lahat tayo ay nagnanasa na makamtan ito, swerte na inaasahan natin makapagbabago ng takbo ng ating buhay.......
Kung iisipin, Ang buhay natin ay parang isang paglalakbay, Dumadaan tayo sa napakaraming lugar na kung saan bawat isa sa mga pook na ito ay nagsisilbing alaala na tumutulong satin bilang kaakibat sating pamumuhay at ito ay tinatawag nating karanasan, May mga pagkakamali at may mga tagumpay, may masasalimoot at may kasiyahan. Ngunit ano nga ba ang kinalaman nito sa ating buhay? Hindi ba't lahat naman tayo ay nag-umpisa bilang isang mang-mang, mahina at walang muwang?.....
May mga katanungan tayo na kahit simpleng sagutin ay mahirap natin itong maipaliwanag, madalas, kung di man natin ito masagot e naghahanap tayo ng rason upang isisi sa iba na kung tutuusin tayo ang responsable para sa bagay na hindi na tin masagot sa kadahilanang hindi natin ito matanggap.
Ang katotohanan po base sa aking mga naging karanasan, mapalad po yung mga taong maagang nakaranas ng paghihirap sa buhay dahil maaga rin nilang natutunan kung paano harapin ang ganitong mga pagkakataon. Mapalad din po ang mga taong maaga pang napapahiya upang maaga rin nilang maunawaan kung papano ang mapahiya at kung gaano ito kahirap sa damdamin. Mapalad din po ang mga taong nakakasaksi sa pagkakamali ng iba at nagiging mapanuri dahil sila ang higit na dapat matututo.
Marahil po e nagtatanong kayo kung bakit ko inilalahad ang mga bagay na ito..... Sa kalagitnaan po ng aking paglalakbay sa buhay ay napansin ko po mula sa aking sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin kung gaano kahirap matuto mula sa mga karanasan. Bakit? Para po sa akin na nais kung ishare sa inyo ay sa kadahilanang sa dami po ng ating mga iniisip ay nakakalimutan na po nating iorganisa ang ating mga buhay ayon sa mga bagay na nararanasan natin mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.
Sabi nga nila looking glass, madalas madmi tayong reklamo sa buhay na kung tutuusin mas maswerte pa tayo kesa sa iba. May mga bagay na masyado nating kinaawaan ang sarili natin dahil sa sinapit ng ating buhay ngunit kung susubukan nating pagmasdan ang mga bata sa lansangan na kailangang mamalimos para lang mabuhay, mga bata sa basurahan nakahit delikado sa kalusugan ay magahahalukay para lang may makain. Marahil yung iba sa inyo ay nag-iisip na "iba sila, iba kami." Totoo nga talaga na ang tao sa mundo ay walang kakuntentuhan ngunit kung susubukan nating maging maging masaya sa kung anong meron tayo siguro iisipin naman natin na walang kasiyahan dahil sabi nga walang pinakapermanente dito sa mundo kundi ang pagbabago.
Ayon sa napagaralan ko sa aming Sociology subject, Ang isang tao raw ay maiclaclasify natin sa tatlong dimension.Ang Tingin ng tao sa iyo, ang tingin mo sa sarili mo at kung sino ang totoong ikaw. Kadalasan, pinupuna natin ang kapwa natin sa pisikal lamang na kaanyuan. Meron din namang mga taong kung tumingin ay napakatransparent, hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa kung ano pang bagay meron ang taong kanyang pinagmamasdan. Pero madalas nakakaligtaan natin ang tingnan ang ating sarili bago tayo magbigay ng puna sa iba na kung saan hindi tayo nagiging patas sa sarili natin.Kahit na ba sabihin na totoo lang ang sinasabi mo e kailangan pa rin nating isaalang-alang ang ano ang maaring maramdaman at kung anong maaring bumalik sayo. Ang pagiging prangka ay malaki ang naitutulong sa taong pinagsasabihan dahil sa tindi ng sakit ng salitang ito naiintindihan natin ang salitang "dapat baguhin" ngunit sa kabila nito malaki rin ang perwisyo dahil may mga taong nahihirapang tanggapin ang mga bagay na may patungkol sa katotohanan lalo pa't ang nagsabi nito ay hindi karapat-dapat at walang dapat ipagmalaki, sa makatuwid walang karapatan, at ito ay maaring mapunta sa hindi magandang pagkakaunawaan o mas malala pa.
Noong matanggap ako as one of the Peer Facilitators ng aming paaralan marami akong mga karagdagang natutunan hinggil sa pagbigay ng payo. Natutunan ko na ang pagbibigay ng payo ay hindi sa pamamagitan ng rekomendasyon o ng ano pa mang suhestiyon batay sa problema ng pinagpapayuhan. Kailangan nating hayaan na sya mismo ang makapagresolba ng kanyang problema sa pamamagitan ng tulong na ipamulat sa kanya ang mga solusyon na saya lang ang may kakayahang gumawa at magpasya. Hindi kailangang tayong mga nagpapayo ang magresolba ng kanyang problema. Sa kabila nito, may mga taong hindi namn talaga gaanong problemado bagkus sila ay naghahanap lamang ng taong makakausap upang sa kahit ganung paraan ay gumaan ang kanyang dinadala.
Ang Isang pagkabigo ay isang aspeto o dahilan ng paghihigante ayon sa mga pangyayari. It's not the end of the world ika nga...Hindi lahat ng bagay na nawala sa atin ay maari na ring mawala sa atin habang buhay. May mga pagkakataong madalas nating palakihin ang mga bagay na kung tutuusin ay nangyari lamang sa napakaikling panahon na kung saan e wala pa sa ni katiting na porsyento ng buong buhay natin. Madalas nating ma-misinterpret ang mga bagay na tulad nito dahilan sa bugso ng ating damdamin na kung saan ay dapat nating matutunan kung papaano ito makontrol batay sa kung anong mas nakakabuti...at dyan pumapasok ang pangungusap na "Ang isang pagkakamali ay hindi na dapat sulosyunan pa ng isa pang pagkakamali." Samantalang meron din namang mga salitang " Let it be", " If you love somebody, set him free.", "Ipagpasa Diyos na lang natin." at marami pang iba. Ganunpaman nasasaatin pa ring desisyon kung ano ang gusto nating maramdaman na kadalasan e nakakalimutan natin ang salitang "dapat maramdaman".
Sa kabuuan, ang mga nasabi ko sa artikulong ito ay buhat lamang sa mga experiensyang nangyayari sa ara-araw na pamumuhay ng tao. At kung malalaman lamang ng bawat isa ang tinatatawag na moral sa kahit anong aspeto ay hindi malayong magkakaroon tayo ng kontrol sa bawat kilos at sinasabi ng ating konsensya. Marami pang ibang aral ang matutunan natin habang tinatahak natin ang ating mga buhay. Sa aking rekomendasyon, matuto tayong umusisa, magtanong, manaliksik sa mga bagay sa ating kapaligiran at matuto sa mga pangyayaring nagaganap sa bawat araw sa ating buhay.
........My Life's Journey is Now Showing.... into Reality!
0 comments:
Post a Comment