Isang napakalaking pagkakamali ang ngayon ay umiikot na sa kahit saang lugar. Ang inaasahang sanhi ng pangungutang ay ang paghingi ng ayuda o tulong bilang pangangailangan sa kapakipakinabang na bagay upang makatawid sa isang suliranin ay ngayon isa ng bisyo na napakahirap nang sugpuin.
Pagpapautang - pananamantala, negosyo o pagtulong? Napakarami na ring negosyo ng pagpapautang na masasabi kong mas mataas ang "social interest" kesa "social responsibility". May mga nagpapautang ng legal ngunit ito ay para lamang sa mga taong dapat ay marunong humawak ng pera o may kaalaman sa pagpapalago nito. May nagpapautang namang legal ngunit idinadaan sa "Non-profit" kuno na ang misyon ay makatulong sa mga mahihirap na matutong mapalago ang pera para sa pangkabuhayan ngunit may malaking porsyento at bilang ng araw ng pagbayad na kung saan nagkakaroon ng panggigipit sa mga susunod ng mga araw ng pagbayad "even in a situation of life and death". May mga nagpapautang naman ng iligal at lahat ng mga "disadvantages" na nabanggit ay nakapasaloob dito. Ang pinakamasaklap ay ang mga nagpapautang na galing din sa pinagkautangan para lamang maipambayad sa iba pang nasabing mga utangan hanggang sa resultang pagkabaon sa utang na halos wala na ang orihinal na utang at porsyento na lamang ang binabayaran hanggang sa pati ang tulong ng gobyerno ay naibabayad na rin. Sa ganitong sitwasyon kapwa mangungutang na ang nag-gagamitan upang maiahon ang bawat mga sarili sa mga obligasyon ng pangunguntang na syang nagiging pangunahing suliranin na ng bawat pamilya. Ito rin ang isa sa pangunnahing nagiging sanhi ng iringan sa isang kumunidad hanggang sa ito ay lumaki na sa mas malalang problema.
Napakasakit isipin na ang istapador ay kapatid ng magnanakaw... Ito ang nagiging resulta ng matinding pangangailangan ng dahil sa kakulangan. Mainam sana kung ang kakulangan na ito ay sa ating pangunahing pangngailangan lamang tulad ng pagkain, damit, at tirahan. Ang masaklap ay ang pangungutang na kahit hindi naman kailangan. Nagiging tamad ang tao kapag hindi pinaghihirapan ang mga bagay na gusto nilang makuha. Karamihan, nagungutang ng wlang planong pagbayad hanggang sa masira ang uganayan at magkalimutan. Isinasakripisyo ang naging magandang samahan ngunit dahil may pagpapatawad paulit-ulit na pangyayari ang kinalalabasan.
hindi masamang mangutang kung ito ay may kaakibat na responsibilidad at may rason na pang ayuda sa kinahaharap na problema. Hindi rin masamang magpautang ng may kapalit na maliit na halaga kung ito ay personal na pagtulong ng hindi nasasayang ang oras ng pananatili ng pera sa ibang kamay at ito ay sinangayunan din ng
nangungutang at nangangakong magbabayad. May nagtatanong, "mabuti ba yan e may porsyento?" Kung ganap ang pagtulong ng isang kapamilya o kaibigan o kahit sino pa mang malapit sa buhay iba na ang pinaguusapan dyan, yan ay tinatawag nang "utang na loob". Ang pinakakasahulan ng pangungutang ay ang pagkakapareho nito sa isang bagay tungkol sa pagnanakaw - Ang hindi paggawa ng paraan sa pamamagitan ng pagbanat ng buto o ng talino sa malinis na paraan.
Sa kabuuan, napakaraming gastusin na kadalasan hindi naman kailangan bagkus luho lang ang napupuntahan. Maraming pangangailangan ang pinagkakagastusan ngunit sa maling tao ang napupuntahan. Mag invest po tayo una mula sa ating mga pagod at taglay na talino. Suriin ang pagkakaiba ng "wants" at "needs" upang madetermina ang importanting pagkakagastusan nang sa ganun may maililigpit para sa mga inaasahan at hindi inaasahang pangangailangan.
May trabaho maraming bisyo / may trabaho walang bisyo maraming kasintahan / may trabaho walang kasintahan walang bisyo may pinagaaral at may binubuhay / Walang trabaho, may bisyo, may inaasahan / Walang trabaho walang bisyo nagnanakaw / Walang trabaho, walang bisyo, walang inaasahan, namamalimos / at ang pinakamasakalap: Walang trabaho, maraming bisyo, malaking pamilya, walang inaasahan, NANGUNGUTANG!
Mga aral na maaring makatutulong
1. Magbadyet. “Ang mga plano ng masikap ay tiyak na magdudulot ng kapakinabangan, ngunit ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan.” (Kawikaan 21:5) Huwag basta-basta bumili ng isang bagay dahil lang sa naka-sale ito. Gumawa ng badyet at sundin ito.
2. Huwag mangutang kung hindi kailangan. “Ang nanghihiram ay lingkod ng taong nagpapahiram.” (Kawikaan 22:7) Kung may utang ka na hindi mo mabayaran, subukang hilingin sa nagpahiram sa iyo na gumawa ng bagong kasunduan sa pagbabayad. Magtiyaga. Gamitin ang payo ng Bibliya sa isang taong padalus-dalos na nangakong mananagot sa utang ng iba: “Magpakumbaba, pilit kang magmakaawa sa kanya! Huwag mong pabayaang ikaw ay makatulog, ni mapikit ang iyong mga mata.” (Kawikaan 6:1-5, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Kahit hindi siya agad pumayag, patuloy na makiusap.
3. Huwag gawing pangunahin sa buhay ang pera.“Naghahanap ng yaman ang sakim na paningin; hindi alam na kapighatian ang kanyang tatamuhin.” (Kasabihan [o, Kawikaan] 28:22, Biblia ng Sambayanang Pilipino) Hindi lang pinansiyal na problema ang maaaring idulot ng inggit at kasakiman, apektado rin nito ang espirituwalidad ng isa.
4. Maging kontento. “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.” (1 Timoteo 6:8) Hindi nabibili ng pera ang kaligayahan at pagkakontento. Ang ilan sa pinakamaliligayang tao ay hindi naman mayaman. Ang nagpapaligaya sa kanila ay ang pagkakaroon ng mapagmahal na pamilya’t mga kaibigan at ang kaugnayan nila sa Diyos.—Kawikaan 15:17; 1 Pedro 5:6, 7.
0 comments:
Post a Comment