Kadalasan ikinakabit sa mga taong ito ang hindi magandang pananaw sa buhay. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng isang tambay sa taong may pinagkakaabalahan o pinagkakakitaan?
Tulad ng pinagkaiba ng mayaman at mahirap, may iisang bagay na hindi kapanipaniwala ngunit katotohanan ang namamagitan sa kanila at yun ay ang tinatawag na "satisfaction". Wala kang pera pero masaya ka, may pera ka ngunit malungkot ka. Wala kang pera ngunit nagagawa mo ang mga bagay na hindi nagagawa ng may pera. May pera ka at nabibibili mo ang gusto mo at mga pangangailangan mo ngunit limitado na lang ang mga hinihiling mo sa buhay pagkat halos nasayo na ang lahat. Wala kang pera at napakarami mong kagustuhan sa buhay na nagbibigay hamon sa iyo para mabuhay.
May mga taliwas ngunit makatotohanang makabagong kasabihan sa ngayon tulad ng mga sumusunod:
- Di bale nang tamad, di naman pagod
- Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila
- Ang batang masipag, pag laki katulong
- etc...
Sa mga tinatawag na tambay o mga taong walang ginagawa sa araw-araw kung hindi maghintay sa pagsikat at paglubog ng araw, nagbibilang ng mga dumadaang sasakyan habang nakaupo, nakatayo, naglalaro sugal man o laro, nanood ng TV, nakaharap sa inuman at kung ano-anu pa ay may isang kasiyahan ang nabubuo sa paglipas ng mga araw - ang pagkakaroon ng magandang samahan.
1 comments:
Di bale nang tamad, d naman pagod,...that is something new...
Post a Comment